Antipolo City QR Code

Antipolo QR code registration

PAALALA mula sa Antipolo City Government:
Reminders for our walk-in customers (Please present your Antipolo City QR code before entering the store and reminder on our health protocols)

Para sa mas mabilis na contact tracing system, maaari po natin gamitin ang Antipolo Bantay COVID-19 Contact Tracing QR Code. Hindi na kailangan paulit-ulit na magsulat at mag fill-up ng mga forms sa bawat pagpasok sa mga establisyimento kung ikaw ay mayroong QR Code.

3 easy steps para mai-download ang Antipolo Bantay COVID-19 contact tracing QR code:

Step 1 – Pumunta sa https://antipolobantaycovid.appcase.net/
Pindutin ang Individual Sign-Up para mag-register.

Step 2 – Sagutan ang mga mahahalagang impormasyon sa form na lalabas. Pindutin ang “submit” matapos sumagot.

Step 3- I-save o download ang QR code na inyong gagamitin at ipapa-scan bago pumasok ng mga pampubliko at pribadong establisyemento.

Ito ay sakop ng data privacy at may non-disclosure provision kaya naman protektado, confidential at ligtas ang anumang impormasyon na makakalap dito.

Mapa-residente, bisita o nagtatrabaho sa Antipolo ay pare-parehong kailangan magkaroon ng QR code na kanilang gagamitin bago sila makapasok sa establisyimento lalo na sa mga matataong lugar tulad ng mga malls, palengke, ospital, transport terminals at iba pa.

Kung walang access sa internet, maaari din magpatulong sa pag-sign up sa inyong barangay para mabigyan kayo ng print out ng Antipolo Bantay COVID-19 QR Code.
Ang QR code ay unique kada isang tao. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapahiram o pagpapagamit ng kanyang QR code sa iba. Ang mahuhuling lalabag ay mapaparusahan.Ang hindi pagsunod sa health and safety protocol na ito ay papatawan ng mga kaukulang parusa at multa alinsunod sa umiiral na ordinansa ng lungsod.
Maraming salamat po sa pang unawa.
Stay safe Antipolo!

Leave a Reply